ang tagal kong nagbakasyon ano mga apo. eh, kasi naman..ang dami kong dinaluhang activities noong mga nagdaang buwan. nandyan ung kampanya, inauguration ng ating mahal na Pangulong BENIGNO AQUINO III, pagtugon sa mga problema sa ating barangay at makakalimutan ko ba naman ang aking pagbo-ballroom. hehe..
Maiba tayo ng usapan... kahapon lang mga apo eh.. umusok ang ilong ng Lola Kris ninyo (parang dragon lang hane'), kasi ang sabi ng Malakanyang.. ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda ay tuloy na raw ang barangay at SK elections sa Oktubre (25), 2010. Aprub naman ako dun...pero ang hindi ko nagustuhan eh ang alisin ang SK Council at maghalal na lang ng isang SK representative.
Diyuskupo! sino ba ang nagpayo kay Pangulong Aquino ukol dito? Baka mahampas ko ng aking baston. Naku.... malaman ko lamang ay lagot sa kin ang damuhong iyon. at bakit kanyo mga apo eh...dahil SARILI lang nila ang iniisip nila. Ang punto ko mga apo eh... una, malaki ang nagagawa ng mga kabataan para hikayatin ang kanilang kapuwa na makiisa sa mga aktibidades sa barangay. pangalawa, sila ang nagsisilbing boses ng ibang kabataan sa komunidad at pangatlo, sinong may sabing "corrupt" sila?... baka iyong mga taong nasa gobyerno o mga taong mai-impluwensiya. bakit ko nasabi iyan mga apo? kasi iyong SK Council eh, walang sweldo at ang tanging konsulasyon na nakukuha nila sa barangay ay respeto mula sa kanilang kapuwa lalo na sa mga kabataan at mababaw ang kaligayahan ng mga iyan dahil mabigyan mo lang sila ng outing at simpleng salu-salo ay parang "fiesta" na sa kanila. Bukod diyan mga apo eh, ginagawa silang ehemplo ng ibang kabataan habang itong ating mga SK kagawad ay takot na makagawa ng masama at ilegal dahil ang iniisip nila ay isa silang SK kagawad.
Bukod diyan, muntik na akong atakihin sa puso sa galit dahil sa isyung pagi-isahin na raw o isasabay na ang Barangay election sa national election sa Mayo 2013. Ang sabi ng aking apo na si Atty. Lacierda... ayon daw kay P-Noy ay makakatipid daw ang gobyerno ng P800 million. Teka...Teka... bakit yan ang sinisilip ninyo... bakit hindi ninyo pagdiskitahan ang pork barrel ng mga mambubutas este mambabatas? Bakit hindi alamin ng Pangulong Aquino kung talagang sa distritong nasasakupan ng barangay officials napupunta ang pork barrel ng kanilang kinatawan sa Kongreso?
Hayy naku....apo kong P-Noy... huwag magpadalos-dalos sa pagde-desisyon. Alalahanin mo apo... malaki ang nagagawa ng mga kabataan kapag dumarating ang eleksyon. Itanong mo sa 'kin apo kung paano? simple lang.... yang mga kabataan na yan lalo na iyong mga SK kagawad ay batid na ang pulso ng politika..kahit papano.. ngayon... sila ang nagsasabi sa kanilang mga magulang, kamag-anak at mga kaibigan na mas may edad sa kanila kung sino ang dapat na iboto. Kumbaga mga apo eh....mas malakas ang boses ng mga kabataan kaysa sa mga taong may mataas ngang posisyon pero "ampao" naman kung mag-isip.
Gaya nitong si Vice-President Jejomar Binay...anong sabi ng apo kong yan? i-abolish ang Barangay at SK elections...sige... kapag inalis mo ang eleksyong pam-barangayan... mananatili pa rin sa pwesto ang mga opisyal nito. unless may batas kang ipapanukala apo kong Jejemon Binay este VP Jejomar Binay na tuluyang lulusaw sa termino ng mga barangay officials.
Sandali nga... konting bira lang.... kapag may gulo, libreng gamot, baradong kanal, clearance, kaunting tulong pinansiyal o kahit na anumang problema ng isang residente ng barangay.. san nagpupunta? di ba sa barangay officials at hindi sa munisipyo. bakit? kasi ang mga nasa munisipyo... maraming tanong, maraming hinihinging papeles bago bigyan ng tulong ang isang Juan dela Cruz ng P20 hanggang P50.00 at pagtalikod nito ay simpleng iismiran at may pabaon pang "palihim na mura". hahaha... kayo talagang mga apo diyan sa munisipyo. hahatawin ko kayo ng tungkod ko eh...nakita ninyo.
Bakit bumaba ang bilang ng mga kabataan na lulong sa droga at iba pang ilegal na gawain.. kasi, ang ibang kabataan na dating may masamang bisyo na pinalad maging SK chairman o kagawad ay nagbago na...naging mabuting mamamayan na. Bukod diyan, malaki ang tulong na naibibigay nila sa mga Barangay officials lalo na pagdating sa mga proyektong pang-kabataan.
Ang problema ba ng isang barangay ay nakikita agad ng mga taga-munisipyo at mga taga-gobyerno...hindi!!!! ang nakakakita at nakakaranas nito hanggang sa masolusyunan ay ang mga tao mismo sa komunidad.
Mabalik tayo mga apo sa gusto ni P-Noy... Ngayon apong P-Noy ....kung aalisan mo ng partisipasyon sa barangay at sa komunidad ang mga kabataan ay malinaw na inalisan ninyo na rin sila ng karapatan sa kanilang lugar.
Malalim hane....simple lang yan... huwag alisan ng boses ang mga kabataan. At take note mga apo...kahit pa sabihin ng taga-Malakanyang na may iboboto namang kinatawan para sa mga kabataan na tatawaging SK representative eh di ba nga..may kasabihan.. "two heads are better than one".
Parang sa gobyerno rin yan eh... si P-Noy ang ama ng bansa...ang chairman at Sk chairman ang ama ng barangay at boses ng kabataan. Ang cabinet members naman ni P-Noy ay may bersyon din sa Barangay at ito ang Barangay at SK kagawad.
Di ba mga apo...malinaw na hindi kaya ni P-Noy na patakbuhin mag-isa ang bansa..kailangan niya ng katuwang para mas maging madali at maayos ang lahat. Ganyan din sa Barangay... ang Barangay Chairman ay kailangan ang kanyang mga Barangay Kagawad habang ang SK chairman ay kailangan din ang kanyang mga SK kagawad.
hayyy naku talaga mga apo... kung alam ko lang talaga kung sino ang nagpayo kay P-Noy ay hahamunin ko ng showdown sa sayawan.. haha... kita ninyo mga apo....dali kayo...parine.... at nagpa-pratice ang inyong Lola Kris ng sayaw.... five, six, seven, eight....
ayyy....hesusmaryosep, ang aking bakya... tumalsik. diyaske talaga.... naku po...pano ko kaya makukuha iyon... eh kay layo ng talsik. apo...apo.... pakikuha naman ang aking bakya...sige na apo.. *


























