Followers

Wednesday, December 10, 2008

miss you all! mwahhh!!!


i'm here na mga apo. na-miss ko kayong lahat. sorry mga apo dahil sobrang hectic ng schedule ng Lola ninyo. in fact, ako ang nag-organized ng very successful na Spooktacular Halloween Party sa barangay namin. nagsakitan ang tuhod ko, balakang at kasu-kasuan pero worth it naman dahil sobrang dinayo kami ng mga participants from other barangays.

Ang nakaka-inis lang mga apo eh, disqualified ang Lola ninyo dahil kahit hindi daw ako naka-costume eh natatakot na sila sa akin...hahaha.... mabuti nga, hindi pa ako nagsayaw ng "Thriller" ni Michael Jackson.

Siyanga pala, i would like to thank ang mga apo kong tanod(s) headed by X-O Totoy Futo, Rizaldy "Batang' " Guce, Tonio, Mang Bael, Michael, Igoh', Andoy. Tewin, Big Boy, and the rest kasi sila ang nakatulong ng Lola ninyo sa said event. And of course, salamat din sa mga brgy kagawads Elvie, Poy, Kap, Ayik and Carmen for their support. All praised din ako sa aming chairman.. chairman Olan dahil iniwan niya sandali ang kanyang asawa sa hospital para mag-join lang sa amin. I salute you, chairman Olan. and Congrats for having a baby girl.

- -- - - -

WE LOVE YOU!!!! Our Patron Santiago de Galicia !!!!


nag-first sunday mass kami last Dec.7 , 2008 sa aming mini-chapel sa Pista St. You know why, after ...hindi ko na alam kung ilang taon ay hindi na nagka-misa doon. ang daming tao....thank you..thank you...thank you po sa inyong lahat...

hoy mga apo!!! kahit masama ang tuhod ko dahil kumain ako ng monggo at nirayuma ako ay ako pa rin ang nagbasa ng First Reading. hehe...mabilis daw akong magsalita pero in fairness...clear at nai-intindihan.

By the way, ako nga pala ang nag-decorate ng chapel namin mga apo... gusto ninyong makita ang aking master piece...dalaw kayo sa aming mga barangay mga apo.

sa next na mass sa amin...invited kayo huh?

Friday, November 7, 2008

again? again....im back

again...i'm back!

How are you guys? I miss all of you so much. Sorry, mga apo kasi masyadong busy ang Lola Kris ninyo especially noong All Saints Day.

Hayyy...ang rayuma ko...ang mga buto ko...mababali na ata. hahaha...

Anyway, alam ninyo ba mga apo na sobrang successful ng "Spooktacular Halloween Party" ng Brgy 352-35 ni Chairman Olan Marino and of course, kaming Council niya.

Maraming nagparticipate sa contest na nag-start sa parade. Grabe ang mga apo ko na 2 hanggang 12 years old na sumali..hahaha...matatalo nila mga professionals sa get up nila. Kaya, no doubt na talagang deserving ang nanalo na si Dalaga Ayson o Alexis na nanalong Best in Costume and First Place. Ang iba pang awards ay Most Horrible, Most Creepy; 5th, 4th, 3rd at 2nd Place.

Basta, masaya , masayang-masaya.

oh siya... magre-rest muna ako at ang aking rayuma ay sumusumpong na naman. Bye for now mga apo.

Mahal ko kayong lahat. mwahhh!!!


Tuesday, September 23, 2008

after a month: im back!!!

hi, mga apo! kmusta na kayong lahat. your Lola Kris is back after a month ng pagla-lie low sa mga activities sa barangay dahil sa intriga at chismis ng mga kasamahan sa council.

Anyway, hindi naman ako nagsisisi na magpaka-lie low kasi alam ninyo naman ang Lola Kris ninyo palagi na lang nirarayuma.hehehe....

Kidding aside, one thing na natutunan ko sa buhay-public servant eh...hindi pala dapat tayo nagtitiwala sa kapwa natin..kahit na kapwa-kagawad pa natin iyan.

Nakakalungkot lang isipin mga apo na kahit alam ninyo na...matanda na ang Lola ninyo eh patuloy pa rin ang serbisyo ko sa bayan kaya lang, ang mahirap lang..eh, bakit may mga tao na malapit sa inyong Lola Kris na pinagdu-dudahan ang tunay na intensyon ko sa pagse-serbisyo publiko.

Example na lang mga apo huh? ....may mga bagay na ginawa ang inyong Lola sa kanyang barangay na talaga namang kahit papaano ay nakatulong. At dahil ang hawak kong komite ay Beautification and Sanitation ay madali na sa akin na umpisahan at tapusin ang trabahong iniatang sa akin ng aking mabait na Chairman. Iyon nga lamang, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagagawa pang batikusin ng kapuwa ko brgy officials ang mga ginawa ko...may mga kasama ang Lola Kris ninyo sa council na hindi na napigil ang sarili na magbintang na "tatakbo raw akong chairman". hahaha....ano ba iyan? itong tanda kong ito ay makakatakbo pa ba ako? HINDI talaga... kasi, hindi na nga ma-balance ng Lola Kris ninyo ang kanyang time para sa family, sa pagbo-ballroom..hehehe... sa mga kaibigan, trabaho at barangay ay pagbibintangan pa na "tatakbong chairman". HINDI noh!!!!! at para matigil na iyang pagme-meeting ninyo sa labas ng barangay hall na dadayo pa kayo sa ibang lugar eh, PARA LANG DURUGIN AKO eh tigilan ninyo na, nagagastusan lang kayo.

Iadmit, masama talaga ang loob ko sa aking mga apong kagawad ng Brgy 352-35 at kung sinu-sino sila....alam ninyo na mga apo kung sinu-sino kayo dahil hindi na nirespeto ang katandaan kong ito.

and, for the record.... aminin ninyo na sa sarili ninyo na KAYO ang may ambisyong maging chairman...HUWAG ninyo akong gamitin. ..users!

Lastly, para sa mga taong patuloy na sumusuporta sa inyong lingkod....maraming, maraming salamat sa inyong lahat at para naman sa patuloy na binabatikos ang inyong Lola Kris... hintayin ninyo ang hambalos ng aking tungkod sa inyo.




Friday, August 22, 2008

HaPpY BiRtHdAy To Me!!!!

Happy Birthday to me...Happy Birthday to me...Happy Birthday...Happy Birthday....HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!
clap! clap! clap!
matanda na ang Lola Kris ninyo. Imagine, nadagdagan na naman ng one- year ang edad (on Aug. 17) ko but despite of that...im very, very happy.
huhuhu.....tears of joy ika nga mga apo. eh, kasi naman...dumating sa birthday ng Lola Kris ninyo ang mga barangay officials from different zones...plus, nag-graced din sa birthday ko sina 3rd district Manila Councilor Jhong Isip, chairman Abet Alonzo, chairman Vic Tan at ilan sa mga Outstanding Kagawads na sina Kag. Louie, Geraldine, Josie, ate Malou at iba pa.
i would also like to thank Brgy. chair Olan Marino and Brgy. Kagawads Kenneth, Elvie, Kap and Carmen. And, also, thank you din kay Brgy. Treas. Reggie at sa aking mga Brgy Tanods headed by 'Batang for gracing my birthday celebration.
At para naman sa aking cake....thank you po kina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Coun. Isip, Ms. Bella Ruiz (my beautiful sister-in-law), Press Usec. Jose Capadocia and Brgy. Chair Abet Alonzo and Philip Falcon.
Thank you din kay Press Secretary Jesus Dureza, NPC PResident Benny Antiporda, PASG Usec. Bebot Villar at sa mga friends at colleagues sa media na nag-greet sa akin.
Grabe!!! talagang HAPPY, HAPPY Birthday ang na-experienced ko.
By the way, i would also like to thank... Coun. Yul Servo, DDB head Tito Sotto & Presidential Peace Adviser Hermogenes Esperon who took time out to call me and greeted me on my birthday. Sobrang touch ang Lola Kris ninyo.
And of course, MOST ESPECIALLY to my husband Lolo Anthony Jose and son Christian Dale , my family particularly to my Mama Paz, to my in-laws, closed friends, relatives at sa lahat, lahat ng mga constituents ko na nag-greet sa akin. Maraming, Maraming, Maraming Salamat po! I love you all!!!

-- - - - - - - -
THANK you to Media Eye or Reporters and Photographers Association that awarded me as Outstanding Kagawad in District III. Maraming, Maraming SALAMAT po!

Thursday, August 7, 2008

trabaho lang, walang personalan: WALA AKONG BALAK TUMAKBONG CHAIRMAN

Arekupu....ang sakit ng katawan ko mga apo..pero hindi dahil sa pagba-ballroom dancing ko kaya masakit ang aking makunat na katawan este ala Vivian Velez o Pia Moran na katawan kundi dahil kasama ko ang team ni Mr. George Peralta ng Engineerings Office sa paglilinis ng bara sa ilang drainages diyan sa Becerra st na sakop ng Brgy 351 at 352.

Would you believed, nag-start ang aming operation LINIS DRAINAGEs ng alas-8:00 ng umaga na nagtapos ng alas-4:00 ng hapon. Kaya ang inyong Lola Kris eh hindi na nakapasok sa trabaho. Hayun tuloy, nag-briefing pala si Press Secretary Jesus Dureza sa New Executive Building (NEB) kanina na hindi man lang naka-attend ang Lola Kris ninyo. Hayan tuloy...hindi me nakapagtanong. hehehe...

Going back sa panibago kong achievement na kahit nirarayuma na eh hataw pa rin sa pagiging public servant. Kasi naman, ang mga apo ko diyan sa Pista St. (sta cruz, manila) eh hindi makalabas ng kanilang bahay ng hindi suot ang kanilang bota dahil kahit hindi naman umihi ng malakas si San Pedro este ang ibig kong sabihin eh hindi umulan ng malakas dahil wala na sa bansa si bagyong Julian eh, baha sa kanilang lugar. Diyaskeng mga apo kong opisyal diyan sa... iyong kanilang mga constituents eh hindi man lang asikasuhin ng maayos. Alam ninyo ba mga apo...iyong iba nga diyan eh may alipunga na ang mga paa at may 2 bata na ang na-dengue.

Kaya ang panawagan ng Lola Kris ninyo kay Kag. Carmen (Lopez) eh...apo baka naman gusto mong magpa-fogging na diyan sa barangay ninyo matapos na maki-LINIS ang Lola Kris ninyo sa team ni Mr. Peralta. Aba eh, ito na ang tamang panahon ng pagkilos mo. Hala...sige.. kilos na!

At doon sa iba ko pang apo diyan... kilala na ninyo kung sino kayo.. Oi, mga apo, trabaho lang ang ginagawa ng Lola Kris ninyo at walang personalan ito. Tungkulin kong serbisyuhan ang mga tao diyan sa Brgy 352 dahil binoto nila ako... Diyaske kayo... WALA AKONG BALAK NA TUMAKBONG CHAIRMAN sa susunod na halalan..hane. Ang dapat ninyong isipin eh ang magserbisyo sa mga taong nagtiwala ng boto nila sa inyo kaysa mainggit sa akin na Lola na ninyo. Mga salbaheng mga bata ito.... mga inggitera at intrigera pa. Bwisit! (arekepu...) hahatawin ko kayo ng aking baston..nakita ninyo ang hinahanap ninyo. Nakaka-init kayo ng ulo!!

Ang pagtulong sa mga constituents ay hindi lamang dapat sa salita kundi sa gawa. Tigilan na ninyo ang paghahanap ng ikasisira ng inyong Lola Kris dahil hindi kayo magtatagumpay dahil alam na ng mga tao diyan sa ating barangay kung sino talaga ang aktibo at sino ang pa-impress lamang. Close your mouth and start to do your stuff. OK! arekupu ...talaga..Nasaan ba itong si Gagah' (Nena Zuniga) at magpapahilot na ang Lola Kris ninyo. Gagah'....gagah'.... asan ka ba apo? Gagah'...


Friday, August 1, 2008

your Lola Kris sings ala Didith Reyes

bakit ako mahihiya...kung sa.... (excerpts from the song of Ms. Didith Reyes)

oi, mga apo ko. hehehe... puwede na ba ang Lola Kris ninyo na mag-join sa Tawag ng Kampeon. hehehe... Again, thanks to Mr. Ariel Fernandez and Mr. Lari King for their program Barangay Singing Caravan in DZXL (RMN) that airs every Saturday . 3-5 pm.

Kasi, they gave my 5 apo (s) from Brgy 352 and (5) from 351 a chance to sing live while they were on air.

Ang gagaling nila...mana sa akin. Kasali ang aking tunay na apo na si Irish M. Dichoso. but unluckily she didn't win. The only consolation was her parents...Betty and Angie or 'Ito Dichoso were very proud of her. What a powerful voice she has.

Among the 10 contestants, si Sarah Jane M. Abalayan from Brgy. 351 got the bacon. Im sure proud sa kanya ang kanilang barangay chairman .. Brgy chair Jonjon Logarta.

At ang panel of judges were yours truly, one from RMN, Brgy Kagawad Marlove (Louie) Calip and PLEB Board member and Brgy chair Abet Alonzo aka TABAKO na according to him means Taba Ako.

uhum... bakit ako mahihiya....kung sa iyo liligaya.... (again, excerpts from Didith Reyes's song entitled Bakit Ako Mahihiya?) oki ba mga apo ko.... (nang kita'y mahalin...hindi ko na inisip ang kinabukasan ko....) arekupu....ang sakit na ng lalamunan ko sa kakakanta.... isa pa nga... (ang nadarama ko'y iniibig kita..pag-ibig na walang maliw..)


Radyo Milyonaryo Nationwide (rmn)

Do you really want to be an instant millionaire? hehehe...this is my question to all of my apo(s) out there.

Alam ninyo kasi...itong mahal ninyong Lola Kris ay nakiisa sa palaro ng Radio Mindanao Network (RMN) last July 15, 2008 na ang theme ay Radyo Milyonaryo Nationwide in barangay, district level.

In fact, i was the one who wrote the name of the participants sa coupon ng RMN. Grabe mga apo. Madali lang ang pag-join. For further information, kindly call RMN and IFM stations

Nakakatuwa talaga ang inyong Lola Kris na kahit nirarayuma na ay hala...sige pa rin sa ganitong mga aktibidades kasi naman it's my pleasure to served and see my constituents na kahit isang kilong bigas, isang lata ng gatas at ilang pieces ng sitsirya ay masaya na sila.

Ang hirap talaga ng buhay ng aking mga apo. Ang pakonswelo na lamang siguro rine eh...ang bait ng RMN at IFM stations because they have this kind of palaro. Saludo po ako sa inyo. At ang sabi ng aking mga apo from Brgy 352-Zone 35.... maraming, maraming salamat po!






Tuesday, July 15, 2008

he is my apo..brgy chair Abet "TABAKO" Alonzo

They say, you have to be careful in choosing friends and apo because he / she may used you. But, this person is exceptional. Why? because he is so kind, friendly and very humane.

Alam ninyo naman ako mga apo..hindi basta-basta nakikipag-friends. hehehe.... (wait...wait...magi-inat muna ang Lola Kris ninyo)...

Anyway, alam ninyo ba mga apo.. among my new apo eh itong si Chairman Abet "TABAKO" Alonzo is different. Itong apo kong ito has a very unique attitude. Hindi mo makikita sa kanya na gagamitin ka lang niya because sincere siya kung tumulong sa kanyang kapuwa kahit hindi niya ito constituent (s). And, kung sakali man na he will pursue his career as Manila Councilor..don't worry, marami kang magiging KAAGAPAY.

Grabe!!! iyan ang apo ko , Chairman Abet "TABAKO" Alonzo. Barangay Chairman of Brgy 347-Zone 35. He is currently a board member of PLEB or People's Law Enforcement Board. He has a PLEB Office at Manila City Hall with Rooms 553-554, 5th floor., telephone numbers...302-6750 /302-6752.

Ituloy mo lang ang maganda mong ugali, apo ko dahil who knows .. today eh, chairman Abet ang tawag sa iyo ng iyong Lola Kris pero malay mo ...tomorrow eh KONSEHAL ABET TABAKO na ang tawag ko sa iyo, hane.. oki!








Thursday, July 10, 2008


PAALALA SA MGA KA-BARANGAY!!!

PANAHON na naman po ng tag-ulan. Panahon ng lamok. Panahon ng kriminal na si AEDES AEGYPTI, lamok na salot sa lipunan dahil sa dalang sakit na DENGUE FEVER.
SUBALIT, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa. Kaya natin itong laban ng sama-sama. Hindi sa pamamagitan ng fogging na nagtataboy lamang ng lamok at makalipas ang ilang oras ay muling magbabalik sa lugar na kanilang pinamumugaran.
MALINIS NA KAPALIGIRAN ANG KAILANGAN PARA WALA SILANG MAPAGTAGUAN.
KAYA, MAKIISA sa PAALALA NG BARANGAY (352). MAKIISA sa PROGRAMANG TAPAT KO, LINIS KO! SALAMAT PO!



Inihanda ni Brgy. Kgwd. (Lola) KRIS JOSE
Chairperson
Committee on Sanitation and Beautification

Saturday, July 5, 2008

MANYAK na LoLo!!!

Halang ang kaluluwa! Walang takot sa Diyos! Demonyo!
Naku, mga apo!! talagang galit na galit ang Lola ninyo. Pano naman, diyaskeng manyak na constituent ko diyan sa may Aragon St.. eh, nangmolestiya ba naman ng 15 taong gulang na apo niya na tawagin natin sa pangalang "Nene". Bukod kay Ate Nene ay sinisimulan na rin palang molestiyahin ni Lolo Manyak ang kanyang mga kapatid na babae na may edad na 9 at 7 habang iyong 10 yrs old na batang lalaki na kapatid
din nila ay binubugbog naman ng Manyak na Lolo na ito.
Buwisit kang damuho kang manyak na Lolo ka!!! Nakakagigil iyang kamanyakan mo. Nagkataon na bising-bisi lang ang Lola (Kris) mo kundi ay hahatawin kita ng tungkod ko at pagkatapos ay bibirahin ko iyang "butotoy" mo.
Mabuti na lang at talagang may pagka-boyscout at girlscout ang brgy council ni Chairman Olan Marino ng Brgy 352. Palakpakan natin (clap! clap! clap!...) sina Brgy. Treasurer Reggie , Kag. Elvie, Brgy. Secretary Boy at Kag. Kenneth dahil sila ang mga naunang tumugon sa problema ng batang si Nene. Siyempre, sa utos na rin ni Chairman Olan. Saludo rin tayo kay Kag. Ayik na sinamahan naman si Treas. Reggie na magdala ng damit sa mga bata sa DSWD kinabukasan.
Habang ako na inyong Lola Kris na kahit uugod-ugod na kagawad at si Kag. Carmen ay patuloy na nakikipag-ugnayan kay 3rd district councilor Jhong Isip para sa tulong na maaari niyang ibigay sa mga bata.
Saludo rin tayo sa kabutihang loob ng mga pulis ng Station 3 ng Maynila, mga guro at principal ng Juan Sumulong Elem. School at Teodora Alonzo High School dahil matagumpay na "nabitbit" si Lolo Manyak papuntang presinto.
Ngayon nga , mga apo...ang Manyak na Lolo ay naghihimas na ng rehas na bakal sa Station 3. hehehe.... at hindi na niya hinihimas ang mga hita at mga private parts ng kanyang mga apo. May balita pa nga ako mga apo.. na maging ang nanay ng mga batang iyan ay minolestiya rin ni Lolo Manyak . Kaya naman itong pobreng nanay ay iniwan ang kanyang mga inakay sa poder ng Manyak na Lolo at sa Lola nito.
Para naman kay Lola, iyong asawa ni Lolo Manyak...aba, ineng mag-isip-isip ka. Marami pang mga matitinong Lolo ang nasa paligid mo. Oki!
Hayy....mahirap na masarap talaga ang maging public servant. At sa kaso ko...masarap kasi after ng serbisyo publiko eh..nagbo-ballroom dancing pa ako. hehehe...( to the left...to the left...to the right...to the right...1..2...3.. arekupu....ang rayuma ko na naman!)

Bye! Bye!





Monday, June 23, 2008

Bagyong Frank (Average storm, kuno!!!) at ang RAYUMA ni Lola

hi mga apo! kmusta na kayo? hayyy..naku...sobrang na-miss ko kayo. Medyo nag-rest kasi ang Lola ninyo due to my rayuma, umatake kasi eh. hehehe... iba na talaga ang NAGKAKA-EDAD, hane.

Anyway, i was so worried about your conditions mga apo lalo na ng nag-strike na ang Bagyong Frank sa Metro Manila (MM). Kmusta na ang mga barangay ninyo? did you participate sa paglilinis sa mga kalsada na ..hayy..naku...pinuno ng wasted materials na bitbit ni Bagyong Frank. Bwisit na Bagyo (Frank) talaga iyan na according to Pagasa ay average storm daw at walang storm signal ang MM. Liar!!!
Bwisit!!! Hambalusin ko kaya ng aking tungkod yang Pagasa na iyan, hane!

ito pa ang nakaka-init ng ulo...Average storm daw ang Bagyong Frank eh halos makita ko na ang buong lahi ni Marina at Dyesebel sa MM at sa ibang regions dahil sa sobrang taas ng tubig-baha...pati nga ang mga kamag-anak ni Dugong..nagpakitang gilas sa Samar at Bohol.

Heto pa ang siste ng mga hayupak na taga-Pagasa na iyan.. wala raw signal sa atin..eh, last saturday sinabi ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) eh..signal number 3 tayo... HAHAMBALUSIN KO NA TALAGA IYANG MGA IYAN NG AKING TUNGKOD...MGA PALPAK!!!!

hayy naku .. mga apo dapat sa mga iyan ay ibitin ng patiwarik.

Teka nga pala...mga apo...kung ang lugar ninyo ay sobrang affected ng Bagyong Frank..don't worry, to the rescue diyan ang Bureau of Fire Protection. Our President instructed BFP to supply potable water in affected areas na dinaanan ni Bagyong Frank...okey ba? hehehe..basta ganyan ang issue eh baka mag-TANGGO, CHACHA at BOOGIE pa ang Lola ninyo... ehem..

oh siya..magre-rest ulit ang Lola ninyo huh? dahil in a little while eh magwawalis na naman ako ng buong kalsada... pesteng basura na dala ni Bagyong Frank....naku...ang RAYUMA KO!!!!




Saturday, June 7, 2008

remember: I'm a public servant and not just one of those...

It was really hard, really, really hard to become a street sweeper in barangay.
Gosh! it was my first time to led the street sweeping in four elongated streets (Elias, Vision, Aragon and Consuelo sts) as early as 8:00 am. At first, I was so excited because i had a big broomstick with me. It was my first time in serving my people at broad day light. Honestly, im coward and afraid that they would see me sweeping their streets because
they might think that im just doing this to impress them. BUT, all of these were swill down when i started my role as a street sweeper. while few of my constituents tried to comfort me and gave their hands to help me.
Im very elated to their gestures towards me. It's really a teary incidents for me. They really crashed my heart. Mahal talaga ako ng aking mga ap0. huhuhu...... Reason why, i said to myself that street sweeping is not the only public service that i could give them. There are so many things that they should look out for. I'l prove to them that they vote went to a right person (like your LOLA KRIS) thou OLD is still energetic and active. hihihi...
By the way, i wanna thank Mr. Jojo Daradar and Tanod "Mer" for helping me in this task. Saludo ako sa inyo mga apo!!!! Sa uulitin ulit, mga apo..hane!

Wednesday, June 4, 2008


THE elected barangay officials of Brgy 352-Zone 35 !!!!

here's our photo when we had our oath taking at Ninoy Aquino Football Stadium last year. Guess ninyo mga apo..who's your LOLA KRIS there, hane!... i'm with Brgy. Chairman Roland "Olan" F. Marino.

(from left to right: Brgy. Kagawads Carmen DC Lopez, Elvira Paguia, Elias Gonzales, Brgy. Chair Olan Marino, Erwin Bernabe, Cristina Jose, Kenneth Concepcion and Roderick Suarez.

(note: sorry, i have no pictures of Brgy. Treasurer Reginald Aguilar and Brgy. Secretary Jose Florentino. And, SK chair Patrick )

Monday, June 2, 2008

Gudam mga apo! Your LOLA KRIS have good news for all of you. Alam ninyo ba mga apo na guest speaker ako kanina sa Juan Sumulong Elem. School, Aragon St. Sta Cruz, Manila (clap! clap! clap!...). Officials of the said school started their Brigada Eskwela (School Brigade) today.

The Brigada Eskwela is a nationwide program of Department of Education (DepEd) seeking to carry out clean-up drives and repairs inside public school premises in time for the start of classes. DepEd officials asked the teachers and parents to trooped to schools nearby their community to clean up rooms and its premises, exactly a week before school doors officially open to students.

Based on the report, DepEd Sec. Jesli Lapuz said that engaging not only the students but also parents and teachers into the said government school program would buy school officials more time come the opening of classes.

Instead of attending to broken chairs or littered school grounds at the first day of school on June 9, school teachers may get right along with the day’s lessons, the DepEd official said.The government measure also seeks to instill among students, parents, and school officials that they too have responsibilities like those of the government in ensuring that school grounds are conducive for students come the opening of classes, according to Lapuz.

Through Brigada Eskwela, participants, Lapuz added, are made to appreciate the spirit of bayanihan and to realize the fruits that working hand in hand could bring.

Ang mahalaga ay iyong bayanihan spirit na iyong community. Sa lahat ng edad ay sama-sama. Nakikita rin ng bata and magandang values at iyon ay kakapulutan din ng magandang asal iyon, na lahat ay nagmamalasakit sa kanilang mga paaralan ,"

In a related development, President Gloria Macapagal Arroyo on Monday instructed DepEd to look into the possibility of scrapping once and for all the use of uniforms in public schools.The President said that if ever the proposed policy is implemented, like in the United States , the financial burdens of parents would be lightened as they would not have to struggle for money to afford school uniforms for their children.“The scrapping of uniform is part of fighting for education to help parents keep their children in school without even worrying about buying uniforms," President Arroyo said during the inauguration of a bridge in Kalibo City, Aklan on Monday morning.President Arroyo did not specify if the proposed DepEd order would cover all students from all levels and all schools.

Kaya nga, kayo mga apo hane? give and share your service as elected barangay officials with school officials for FREE!!! as in WALANG BAYAD!!! oki!

reference: GMA news.TV

Saturday, May 31, 2008

AT LAST!!!

I'm happy to note that little by little..my friends in the industry (media) have noticed my blog. Yehey!! At ang buena mano...from Inq.net si chair Tere. i love you chair. mwahh..mwahh... if you have problems with your barangay officials ...ISUMBONG mo lang sa akin at "hahatawin" natin ng aking tungkod. hane apo!!!

Thursday, May 29, 2008

FIRST TIME!!!

I'm excited and happy when i did this stuff. You know why mga apo because i'm free to have chit-chats with you. I admit, this is my FIRST TIME. Grabe! this is it. Kaya mga apo, don't be shy to write to your LOLA Kris, hane! I'm waiting!