They say, you have to be careful in choosing friends and apo because he / she may used you. But, this person is exceptional. Why? because he is so kind, friendly and very humane.
Alam ninyo naman ako mga apo..hindi basta-basta nakikipag-friends. hehehe.... (wait...wait...magi-inat muna ang Lola Kris ninyo)...
Anyway, alam ninyo ba mga apo.. among my new apo eh itong si Chairman Abet "TABAKO" Alonzo is different. Itong apo kong ito has a very unique attitude. Hindi mo makikita sa kanya na gagamitin ka lang niya because sincere siya kung tumulong sa kanyang kapuwa kahit hindi niya ito constituent (s). And, kung sakali man na he will pursue his career as Manila Councilor..don't worry, marami kang magiging KAAGAPAY.
Grabe!!! iyan ang apo ko , Chairman Abet "TABAKO" Alonzo. Barangay Chairman of Brgy 347-Zone 35. He is currently a board member of PLEB or People's Law Enforcement Board. He has a PLEB Office at Manila City Hall with Rooms 553-554, 5th floor., telephone numbers...302-6750 /302-6752.
Ituloy mo lang ang maganda mong ugali, apo ko dahil who knows .. today eh, chairman Abet ang tawag sa iyo ng iyong Lola Kris pero malay mo ...tomorrow eh KONSEHAL ABET TABAKO na ang tawag ko sa iyo, hane.. oki!
Followers
Tuesday, July 15, 2008
Thursday, July 10, 2008

PAALALA SA MGA KA-BARANGAY!!!
PANAHON na naman po ng tag-ulan. Panahon ng lamok. Panahon ng kriminal na si AEDES AEGYPTI, lamok na salot sa lipunan dahil sa dalang sakit na DENGUE FEVER.
SUBALIT, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa. Kaya natin itong laban ng sama-sama. Hindi sa pamamagitan ng fogging na nagtataboy lamang ng lamok at makalipas ang ilang oras ay muling magbabalik sa lugar na kanilang pinamumugaran.
MALINIS NA KAPALIGIRAN ANG KAILANGAN PARA WALA SILANG MAPAGTAGUAN.
KAYA, MAKIISA sa PAALALA NG BARANGAY (352). MAKIISA sa PROGRAMANG TAPAT KO, LINIS KO! SALAMAT PO!
Inihanda ni Brgy. Kgwd. (Lola) KRIS JOSE
Chairperson
Committee on Sanitation and Beautification

Saturday, July 5, 2008
MANYAK na LoLo!!!
Halang ang kaluluwa! Walang takot sa Diyos! Demonyo!
Naku, mga apo!! talagang galit na galit ang Lola ninyo. Pano naman, diyaskeng manyak na constituent ko diyan sa may Aragon St.. eh, nangmolestiya ba naman ng 15 taong gulang na apo niya na tawagin natin sa pangalang "Nene". Bukod kay Ate Nene ay sinisimulan na rin palang molestiyahin ni Lolo Manyak ang kanyang mga kapatid na babae na may edad na 9 at 7 habang iyong 10 yrs old na batang lalaki na kapatid din nila ay binubugbog naman ng Manyak na Lolo na ito.
Buwisit kang damuho kang manyak na Lolo ka!!! Nakakagigil iyang kamanyakan mo. Nagkataon na bising-bisi lang ang Lola (Kris) mo kundi ay hahatawin kita ng tungkod ko at pagkatapos ay bibirahin ko iyang "butotoy" mo.
Mabuti na lang at talagang may pagka-boyscout at girlscout ang brgy council ni Chairman Olan Marino ng Brgy 352. Palakpakan natin (clap! clap! clap!...) sina Brgy. Treasurer Reggie , Kag. Elvie, Brgy. Secretary Boy at Kag. Kenneth dahil sila ang mga naunang tumugon sa problema ng batang si Nene. Siyempre, sa utos na rin ni Chairman Olan. Saludo rin tayo kay Kag. Ayik na sinamahan naman si Treas. Reggie na magdala ng damit sa mga bata sa DSWD kinabukasan.
Habang ako na inyong Lola Kris na kahit uugod-ugod na kagawad at si Kag. Carmen ay patuloy na nakikipag-ugnayan kay 3rd district councilor Jhong Isip para sa tulong na maaari niyang ibigay sa mga bata.
Saludo rin tayo sa kabutihang loob ng mga pulis ng Station 3 ng Maynila, mga guro at principal ng Juan Sumulong Elem. School at Teodora Alonzo High School dahil matagumpay na "nabitbit" si Lolo Manyak papuntang presinto.
Ngayon nga , mga apo...ang Manyak na Lolo ay naghihimas na ng rehas na bakal sa Station 3. hehehe.... at hindi na niya hinihimas ang mga hita at mga private parts ng kanyang mga apo. May balita pa nga ako mga apo.. na maging ang nanay ng mga batang iyan ay minolestiya rin ni Lolo Manyak . Kaya naman itong pobreng nanay ay iniwan ang kanyang mga inakay sa poder ng Manyak na Lolo at sa Lola nito.
Para naman kay Lola, iyong asawa ni Lolo Manyak...aba, ineng mag-isip-isip ka. Marami pang mga matitinong Lolo ang nasa paligid mo. Oki!
Hayy....mahirap na masarap talaga ang maging public servant. At sa kaso ko...masarap kasi after ng serbisyo publiko eh..nagbo-ballroom dancing pa ako. hehehe...( to the left...to the left...to the right...to the right...1..2...3.. arekupu....ang rayuma ko na naman!)
Bye! Bye!

Subscribe to:
Posts (Atom)