again...i'm back!
How are you guys? I miss all of you so much. Sorry, mga apo kasi masyadong busy ang Lola Kris ninyo especially noong All Saints Day.
Hayyy...ang rayuma ko...ang mga buto ko...mababali na ata. hahaha...
Anyway, alam ninyo ba mga apo na sobrang successful ng "Spooktacular Halloween Party" ng Brgy 352-35 ni Chairman Olan Marino and of course, kaming Council niya.
Maraming nagparticipate sa contest na nag-start sa parade. Grabe ang mga apo ko na 2 hanggang 12 years old na sumali..hahaha...matatalo nila mga professionals sa get up nila. Kaya, no doubt na talagang deserving ang nanalo na si Dalaga Ayson o Alexis na nanalong Best in Costume and First Place. Ang iba pang awards ay Most Horrible, Most Creepy; 5th, 4th, 3rd at 2nd Place.
Basta, masaya , masayang-masaya.
oh siya... magre-rest muna ako at ang aking rayuma ay sumusumpong na naman. Bye for now mga apo.
Mahal ko kayong lahat. mwahhh!!!