Followers

Thursday, November 19, 2009

salamat maynilad!!!



-(before and after)

hi mga apo ko! naku pasensiya na kayo sa Lola ninyo at parang palitaw..lulubog..lilitaw. hehe...pero mga apo eh, hindi naman ako nagbo-ballroom. Masyado lang busy ang Lola ninyo sa trabaho.
siyanga pala, gusto ko nga palang pasalamatan ang maynilad dahil napakabilis umaksyon ng mga apo kong taga-maynilad nang tawagan natin para sa inilapit na problema ng pamilya Bernabe diyan sa may 1800 Consuelo St. Nagsagawa kasi noong nakaraang linggo (nobyembre 15) ng de-clogging ng sewerage ang ating mga apo diyan. maraming, maraming salamat mga apo hane na sa halip na manood kayo ng laban ni Pacman kay Miguel Cotto ay mas inuna pa ninyo ang serbisyo-publiko.

sana mga apo ko na taga-maynilad ay patuloy pa kayong magsilbi sa inyong mga customers. ;)




Thursday, October 8, 2009

thank you po ulit!

- si engr. nadongga kasama ang kanyang staff (sayang, mga apo ko't wala akong picture ni engr. Orosco)







































mga karagdagang kuha sa ginawang vacuum-cleaning operation sa pangunguna ni brgy. chairman olan marino at mr. paul sicat ng flood control 1.









-chairman olan habang nakamasid sa ginagawa ng mga taga-flood control 1








































yan ang chairman ko

photo caption:

(si chairman Olan Marino, nakaputing t-shirt kausap ang mga taga-flood control 1 na nanguna sa pagba-vacuum clean ng aming lugar)
HUWARAN na ama ng barangay...iyan ang aking apo na si chairman Olan dahil sa kabila ng pagiging abala sa ikauunlad ng aming komunidad ay may panahon talaga siyang inilaan sa operasyong ito.

Saludo ako sa iyo.. apo ko.

Kaya nga, labis na nagpapasalamat ang inyong Lola Kris sa magaling na engineer ng flood control 1 na si Engr. Orosco ng manila city hall. Talagang dedicated siya sa kanyang trabaho na makatulong sa paglilinis ng ating komunidad mga apo matapos hatawin ng bagyong Ondoy.

Sa katunayan nga mga apo ko ay labis ang kagalakan ng aming konseho sa pangunguna pa rin ng aking apo na si chairman MARINO sa ginawa ng grupo ng apo kong si Mr. Paul Sicat ng flood control 1 sa ilalim pa rin ng pangangalaga ng aking apo na si Engr. Orosco dahil sa kanilang pagba-vacuum clean sa aming mga drainages. kaya't kayong mga taga-ibang barangay...huwag kayong mag-atubiling mag-request ng vacuum cleaner para sa inyong mga drainages kay Engr. Orosco dahil ang apo kong ito katulad ni Engr. Nadongga ay napaka-sipag na opisyal ng Manila City Hall.

nobody, nobody but you! nobody, nobody but you!...hayy...mga apo ko...nakakapagod ang pagsasayaw. ito kasing si kagawad carmen (lopez) napaka-versatile na dancer. Grabe mga apo! nagtunugan ang mga buto ko. hehehe...noong kabataan ko..naku..eh mapapalaban sa akin sa indakan ang batang iyan. isa pa nga ulit... (nobody, nobody but you!....) hayy naku...ayoko na. pagod na ako. hingal kalabaw na ang Lola ninyo. Teka.. nasan na ba ang apo kong si Kgwd Carmen? ineng...ano nga ulit iyong susunod na steps pagkatapos ng palakpak...) *
































Tuesday, October 6, 2009

aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo

" aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo."

literal man o hindi na kasabihan mga apo ko eh.. i-aplay natin sa nangyayari ngayon sa ating bansa. hane...

wala iyang ipinagkaiba mga apo ko sa mga foundations at charitable institutions mula sa pribadong sektor na patuloy na dinadagsa ng mga nagbibigay ng donasyon maging ito man ay cash o inkind dahil ang importante mga apo ko eh para makatulong sa kanilang kapuwa na biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Iyon nga lamang mga apo.. ay kung bakit napakatagal at tila mabagal ang pamamahagi ng mga nakalap na donasyon ng mga ito?

kayong mga nasa pribadong sektor..ano pa ba mga apo ko ang hinihintay ninyo para agad na ipamahagi iyan sa mga kapuwa ninyo na ilang araw nang hindi kumakain o patuloy na nakakaranas ng pagkalam ng sikmura at ilang araw ng may sakit dahil nagtitiis na manirahan sa madumi at masikip na evacuation centers matapos walisin ng mga naturang bagyo ang kanilang bahay.

sana naman mga apo ko diyan sa pribadong sektor...tigilan na muna natin ang pagpapa-pogi at ganda points at pamumulitika at kung maaari ay unahin muna natin ang kapakanan ng iba.

kayo rin mga apo ko...baka mag-krus ang dila ng Lola Kris ninyo eh magkabaligtad ang mundo ..kayo naman ang humingi ng saklolo sa mga taong hikahos ngayon. Sa tingin ninyo ba, sa ginagawa ninyong pagpapatumpik-tumpik na pagtulong sa kanila ay makakabuti ito sa inyo?

mga apo ko na nasa likod ng mga foundations at charitable institutions. kayo rin..bahala kayo. *

Tuesday, September 29, 2009

cleaning and de-clogging operation: ulitin natin!







(ilan lang iyan sa mga kuhang larawan ng sama-samang paglilinis sa aming barangay. gayahin sana ng iba diyan.. hane mga apo!)

ulitin natin mga apo ang ating cleaning and de-clogging operation o Operation: Linis Kapaligiran at Lansangan sa ating komunidad matapos tayong bayuhin ng bagyong Ondoy.
alam ninyo ba mga apo, bago pa man tayo hambalusin ng bagyong Ondoy ay nagsagawa na kami sa aming barangay ng paglilinis. Pero, wala kaming ideya na paghahanda ito sa isang matinding pagsubok na bigay ng bagyong Ondoy.
Hindi masama mga apo ang magwalis ng daan, magkalkal ng imburnal o drainage at alisin ang mga basura sa kanal para sa kapakanan ng nakararami.
Walang politika rito mga apo, sabi nga natin... serbisyo muna kahit nirarayuma at saka na ang personal na kasiyahan. take note mga apo...hindi nakapag-ballroom at nakanood ng sine ang inyong Lola Kris dahil sa sakit ng katawan pero sulit naman dahil marami sa ating mga residente ang nasiyahan sa serbisyo-publiko na bigay ng inyong lingkod at mga kasama natin sa konseho. salamat din sa mga kapitbahay natin na tumulong sa ating operasyon. sa uulitin po ulit! *


bagyong Ondoy, delubyo!











kitang-kita mga apo ang iba't ibang mukha ng lugar sa bansa noong nagdaang linggo kung saan inilabas ni bagyong Ondoy, delubyo kung ituring ng karamihan ang kanyang ngitngit.. kaya ang Lola Kris ninyo ay hindi na nakapag-ballroom pa. hehehe...(pagbigyan ninyo na ako mga apo ko sa aking pagbo-ballroom dahil iyon ang gamot sa aking rayuma).

At dahil hindi nakapag-ballroom ang inyong Lola Kris ay nagkaroon naman ako ng panahon mga apo para himayin isa-isa ang bawat palusot ng ating mga diyaskeng kababayan mula gobyerno, lokal na pamahalaan, pribadong sektor at iba pa na nagsimula nang magturuan kung sino ang may kasalanan sa "delubyong" nangyari sa bansa simula pa noong Sabado na bagama't humupa na ang galit ni bagyong Ondoy ay nag-iwan naman ito ng pilat sa pusong sugatan ng ating mga kababayan sa mga karatig-lalawigan matapos mawalan ng mahal sa buhay. Kung nasa tabi ko lang ang aking baston ay naku...baka nahataw ko na kayong lahat diyan.

Iyon nga lamang mga apo, sa kabila nito ay nakakatuwa pa rin na buhay na buhay ang ating kulturang kinagisnan ...ang "bayanihan."

Naku mga apo ko...noong kapanahunan ko...medyo bata pa ang inyong Lola Kris ay talagang sumasabak ako sa bayanihan. hehehe... hindi pa uso ang ballroom noon kaya hindi ako makapag-lakwatsa at magamit ang aking bakya sa pagkendeng. hayyy naku... mabalik tayo sa aking sinasabi...dahil na rin siguro sa aking katandaan ay mixed emotions mga apo ang aking naramdaman...awa, tuwa at matinding lungkot sa sinapit ng ating mga kababayan sa ibang lungsod at lalawigan.

Gaya na lamang sa aming barangay (352-35) mga apo ko, nakatutuwa dahil pinayagan kami ni Gng. Virginia Victoria, principal ng Juan Sumulong Elementary School (JSES) sa may Aragon St., Maynila na gamitin ang paaralang ito bilang evacuation center. Maraming, maraming salamat po!
Salamat din kay Gng. Mamuyac, guro na nag-assist sa amin para sa lugar na pagdadalhan sa aming mga inilikas na kapitbahay.

Awa, dahil kabilang sa mga inilikas ng inyong Lola Kris, kasama sina Kagawads Kenneth Concepcion, Ayik Suarez at Carmen Lopez ay iyong dalawang sanggol na dinala ng kanilang mga ina sa JSES kahit kasagsagan ng buhos ng malakas na ulan at mataas ang tubig-baha. Naawa rin kami sa aming mga tanod na sina Dong Mercado, Tonio, Ian Andaya at Andoy kasama na ang volunteer na si Larry Dichoso dahil sa halip na kasama nila ang kanilang pamilya sa oras na iyon ay mas pinili pa nilang sumama sa aming operasyon. kabubuti ng aking mga apo na iyan.

Habang "lungkot" naman dahil may mga lokal na opisyal ng pamahalaan na hiningan namin ng tulong (kandila at posporo) subalit tila inuna pa ang matulog sa halip na makiisa sa aming "sagip-kapitbahay operation."

Ang kagandahan lamang nito mga apo ko ay kahit na nasa ibang lugar ang aming chairman na si Olan Marino ay ipinadama niya sa amin ang kanyang matinding pag-aalala. Iyon nga lamang, ang tanong ng bayan...bakit napaka-tagal ng relief operations natin? sino kaya sa tingin ninyo mga apo ang dapat sumagot niyan....si Mayor Lim o si DILG Ronaldo Puno na nagpahiwatig ng tatakbo bilang bise-presidente sa 2010 presidential elections. *


Thursday, September 17, 2009

mga taga-Barangay Bureau -UNFAIR!!!

unfair!!!!

nakaka-init ng ulo mga apo ang desisyon ng Barangay Bureau na bawasan ang suweldo ng mga barangay officials ngayong buwan.

hoy, kayong mga opisyal ng bureau..mga diyaske kayo..alam ninyo ba ang ginagawa ninyo...mga batang ito talaga. hambalusin ko kaya kayo ng baston ko?!!!

ang ipinag-iinit ng ulo ko mga apo eh iyong isyu na babawasan daw ng mahigit P1,000 ang honoraria natin. ano? bakit? dahil lang sa alegasyon na may ilang barangay sa Maynila ang may ghost employee at iyong recently lang na seminar ng mga chairman na ginawa pa sa bansang China.

Teka..teka...Kasalanan ba namin iyon? hindi kaya dapat, ang sitahin ng Barangay bureau ay ang Liga ng mga Barangay dahil sila ang may pakana ng seminar sa China. Kailangan ba talaga na ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat? tama ba iyon? makatarungan ba iyon mga apo? huh?! (arekupu...ang rayuma ko ..sumusumpong na naman..)

wait a minute...bakit kami parurusahan sa bagay na iyan huh?! kami na inosente sa alegasyon na iyan! kailangan ba na pati kaming naglilingkod ng maayos at ginagampanan ang aming tungkulin ng walang aberya ay madadawit sa kautusang ito?

quarterly na nga ang sweldo ng mga barangay officials , isama mo pa diyan ang ginagawang pag-abono namin sa ilang gastusin sa barangay tapos babawasan ninyo pa ang honoraria namin? ano ulit daw mga apo? at bakit? huh? huh?!

UNFAIR!!!! mababawasan ang pambili ko ng gamot sa aking rayuma at pambili ko ng gulay at prutas para sa aking ume-edad na kalusugan.

konting konsiderasyon naman mga apo.... ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. naintindihan ninyo ba mga apo ko na taga-Barangay Bureau, huh?. GRRRR...

PAGING Manila Mayor Alfredo Lim...apo naman..konting konsiderasyon naman. hane..*

Sunday, September 13, 2009

dito na ulit ako mga apo...

"SEMINAR con lakwatsa"
--------------------------


nandito na naman ako mga apo!!! asus! ang rayuma ko...ayan na naman...umaatake na naman. pero, hindi bale kaya pa ng Lola Kris ninyo na magbigay serbisyo sa kanyang nasasakupan. Sabi nga nila eh, kalabaw lang ang tumatanda at hindi ang kagaya ko na malakas pa naman ang tuhod sa page-ehersisyo at ballroom dancing. hehehe....

how are you mga apo? kamusta ang mga barangay ninyo? kasundo nyo pa rin ba ang mga Lolo at Lola ninyo este iyong mga barangay chairman at chairwoman na kasing edad ko. hehe..

hayy naku...marami na naman akong natanggap na email na puro reklamo sa kanilang mga barangay chairman/woman. Diyaske kasing mga lider ito ng barangay...mano ba naman na magserbisyo muna kayo ng kasya sa baluktot na banig sa halip na magpasarap sa China..ano kanyo mga apo...seminar naman iyon na bigay ng Barangay Bureau? ayyy...oo nga..seminar na kung seminar pero tama ba naman na gawin sa ibang bansa iyon? eh, kung iyong pondo na inilaan ng Bureau eh inilagay sa bawat barangay ng bawat komunidad ay baka nabigyan ko pa ng isang palakpak ang Barangay Bureau natin.

alam ninyo mga apo..diyan sa Barangay Bureau... hindi masamang mag-seminar dahil kailangan iyon ng ating mga lider sa barangay pero ang lumabas pa ng bansa eh isang malaking luho na iyon. naku!!! kung nandito lang ang aking baston eh baka nahambalos ko na kayo diyan, mga damuho kayo.

teka, teka... mage-ehersisyo muna ako sandali dahil masasakit ang aking kasu-kasuan dahil sa ginawa naming paglilinis ng kanal.

one..two...three..four... " mag-exercise tayo tuwing hapon...tuwing hapon..tuwing hapon.. (afternoon) kasi umuulan kanina hindi ko nga magamit ang aking magandang rubber shoes kaya't naka-bakya akong mag-ehersisyo. hehe...


------
ANG PANSIT, bow!
--------------------



mga apo...dali at may iku-kuwento ang inyong Lola Kris. sit down properly, kahit anong upo ninyo at makinig kayo sa aking kwento..

ready... "may isang kagawad, kapag duty niya ay palagi siyang binabakbakan ng kapuwa niya kagawad dahil sa kanyang mga pinapakain sa kanyang mga tanod. Natural lang naman na kapag duty ng isang kagawad ay responsibilidad niya na pakainin ang kanyang mga tanod na kasama niya sa pagod at puyat. Itong si kagawad, magarbo sa pagkain..nandiyan iyong may-kendi na, yosi, softdrinks, masarap na ulam at mainit na kanin. presto! isang masarap na hapunan. akala ni kagawad ay ok lang ang pagpapakain niya sa kanyang mga tanod. Ang hindi niya alam, iyon ang ibinutas sa kanya ng kanyang mga kasama sa barangay kaya't ang ginawa ni kagawad ay hindi na naghanda ng masarap na pagkain para sa kanyang mga tanod kundi bumibili na lang siya kay aling helen ng pansit sa kada duty niya.. pansit bihon, o kaya naman ay canton o lomi ..paikot-ikot lang doon pero may kasamang tinapay na walang palaman at 2 RC.

pero, ganoon pa rin,, may naririnig at nakakarating na sumbong sa kanya at ang paboritong linya ay "bakit kay kagawad, palaging maraming nagdu-duty bakit sa amin isa o dalawa lang?" kahit ang chairman ni kagawad ay nagtaka rin sa kung bakit tuwing duty lang ni kagawad maraming nagdu-duty na tanod.

hindi na nakatiis ang isang constituent ni kagawad at nagtanong na sa tanod kung bakit ganoon...ang sagot ng tanod " hindi kami mukhang pagkain. kung tutuusin ay mas masarap pa ang pagkaing hinahanda ng ibang kagawad sa kagawad na inaapi at sinisiraan nila. bakit hindi nila tanungin ang kanilang mga sarili...paano sila makisama sa mga tanod nila? ang magandang pakikisama at pagiging totoong tao ni kagawad ang hinahanap namin sa aming pagdu-duty na hindi namin nakita sa kanyang mga kasama. huwag ng magtaka pa ang ibang tao kung isang araw si kagawad ay chairman na."

nang makarating kay kagawad ang pahayag na ito ay isa lang ang nasabi niya...wala akong balak tumakbong chairman, ang sa akin lang..serbisyo muna bago sarili".

at diyan nagtatapos ang kuwento ni kagawad.

hoy mga apo..sige na magsi-uwi na kayo at ako'y magro-ronda pa. hala uwi!!!


------
(Q. and A: only in brgy. 352-35)

tanong: ano ang ibig sabihin ng serbisyo-publiko?
sagot: "baka tatakbong chairman din iyan"(hahaha...)



tag-ulan na naman mga apo...mag-ingat sa tubig-baha at baka kayo ay magka-alipunga gaya ng ilan sa aking mga kapitbahay sa Pista st., biktima na ang paa nila ng alipunga kasi ba naman palaging baha sa kanilang lugar.

Si chairman Olan, palagi na lang nagpapa-de clog ng kanal at imburnal pero ganoon pa rin..bumabaha pa rin.

Ito ang siste mga apo.... may ilang residente ng Pista st. ang lumapit sa Lola Kris ninyo at humingi ng tulong tungkol sa problema nila na kapag malakas ang ulan ay agad na bumabaha sa loob ng kanilang bahay.

Dahil ang lola Kris ninyo ang chairman ng komite ng sanitasyon ay agad kong ipinaalam sa aking chairman ang problemang ito. maganda ang palitan namin ng mensahe sa teks. hanggang sa may nakapagsabi sa inyong Lola Kris na ipinatrabaho na pala niya sa ibang kagawad ang nasabing problema.

Natural, nagalit ang Lola Kris ninyo...hindi pa ako baldado o inutil para hindi magampanan ang aking trabaho.

After 4 days, may lumapit na naman sa Lola Kris ninyo na residente ng Pista st., ang reklamo nila...nagbabaha pa rin sa bahay nila.

Kahapon ng umaga mga apo eh nasa barangay hall ang kasama kong kagawad na si kagawad kenneth (concepcion) nakita niya na talagang may problema sa baha ang mga taga-Pista dahil doon ay may sinabihan siyang tawagin ako sa aking bahay mga apo...alam ninyo ba na may isang kagawad doon na nag-maldito at naglitaniya na " bakit tatawagin pa iyon, kaya na naman natin iyan." hahaha...apo kong kagawad na maldito...kaya mo? kailan? kaya pala kasagsagan ng ulan kahapon eh puro putik na ang Lola Kris mo sa pagkalkal ng imburnal at naulanan pa eh, ikaw na maldito kang kagawad ka eh naka-payong ka pa, daig mo pa si dating First Lady Imelda Marcos. hahaha...

heto pa mga apo... nguso siya ng nguso sa bawat makakausap niya..ang iningunguso niya eh ako...at ano kaya ang sinasabi ng malditong kagawad na ito? ano pa, eh di sinisiraan ang Lola Kris ninyo. bakla ata ang kagawad na ito, mahilig manira ng kapuwa at babae pa ang ginagawan niya ng ganoon huh mga apo ko.

may nakapagsabi pa sa inyong Lola Kris na sinabi nitong kagawad maldito na ito na kung hindi pa ako sasabihan ay hindi ako kikilos...hahaha...nakakatawa ka kagawad maldito. ang chairman mo ang dapat mong sitahin dahil sa pagkakatanda ko, ang sinabi niya sa akin eh sa bawat pagkilos sa barangay ay dapat alam niya iyon para hindi siya magmukhang tanga. iyon lang naman ang ginagawa ko, ipaalam sa kanya ang problema pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi niya ipagawa sa akin kung ano ang dapat gawing solusyon sa problemang sakop ng komite ko.

at itong isa pang kagawad na babae na lantaran ang ambisyong maging chairman sa susunod na eleksyon. Ineng, iyong mga litratong kuha sa paglilinis ng kanal at imburnal ang magiging ebidensiya natin sa pagsasampa ng reklamo sa Maynilad at Ze-Ar. hindi iyon pampa-pogi points lang. Bago ka kasi magsalita eh isipin mo muna ng 100 beses sabagay hindi ka kasi magkaka-pera sa ginawa namin ni kagawad kenneth at ng mga tanod (Igo, batang, soysi, bigboy, tewin, dong, akiros) na paglilinis ng kanal at imburnal. Palibahasa kasi, hindi ikaw ang "bida" sa picture taking. hahaha...kawawang apo ko. Huwag kang pasisiguro na mananalo ka pa sa susunod na eleksyon. Mag-isip ka.

Balik tayo kay malditong kagawad... alam mo apo, ang pagtugon sa problema ng isa o mga residente lalo na sa Pista st ay hindi dapat bigyan mo na ng kahulugan na "baka tatakbo ring chairman" ang Lola Kris ninyo.. hahaha..nakakatawa ka talaga! ganoon pala ang pakahulugan mo sa pagbibigay serbisyo..tatakbong chairman. clap! clap! clap! sana mabasa ito ng barangay bureau para mabigyan ng matinding seminar ang damuhong ito.

oh siya... hanggang dito na lang muna ang isusulat ng Lola Kris ninyo sa kanyang mga kasama sa council dahil kapag humaba pa ay baka masulat ko na iyong mga ...... na gawain nila.

"paging barangay bureau...hahaha.... " baka gusto ninyong basahin ito. Isama ninyo na rin sina Kagawad Popoy (Gonzales) at Kagawad Elvie (Paguia). oki!







Wednesday, April 15, 2009

NO MORE TEARS

i woke up early today with a smile on my face. (,")
why? ..although i already accepted the fact na wala na talaga si Tatay Joecap eh na-meet ko naman ang aking second (adopted) mother na si Mrs. Capadocia.

Nakakataba ng puso ang gestures niya sa kin after kong i-kuwento sa necrological service ng Malacañang Press Corps (MPC) for (the late) Tatay Joecap ang mga unforgettable experiences ko with him.

At first, ang hirap magsalita infront of many people lalo na nandun ang Capadocia family, mga kasama ko sa MPC, guests, and some government officials. Feeling ko at that time...im deaf and blind.. may kinukwento ako pero hindi ko naririnig ang mga sinasabi ko, nakatingin ako sa mga tao pero feeling ko nagsosolo ako kasama ang Tatay (Joecap) ko.

It was really hard..VERY hard na mag-kwento ka na pipigilan mo ang emotions mo. But later on, nang makita ko si Mommy Capadocia (my new adopted mom...hehehe.. walang kokontra) na attentively listening to me..parang nakita ko sa kanya ang Tatay (Joecap) na sinasabihan ako na...Oh, ano Remate... anong istorya na naman ang in-SS mo. (SS means, sinalsal o isyung nilagyan ng iba't ibang flavoring para maging sensational). eh, bigla akong ginanahan na mag-kwento. FYI lang po.. wala akong idea na magsasalita ako sa necro service ng MPC kaya't nung tinawag na ni Mother Marie (Peña Ruiz) ang name ko.. ayoko talagang tumayo.

To cut the long story short...nagsalita na rin ang Lola (kris) ninyo. Hindi ko talaga mapigil ang sarili ko at mag-pretend na "okey" ako kasi talaga namang hindi. I think, it took 20 seconds for me before i said my first phrase..."hindi ko talaga matanggap."

Narinig ko pa nga si Mader Marie na nag-comment sa may gilid ko na... "ano raw?" hahaha... as i've said, feeling ko talaga at that time "bingi ako."

at last, nakwento ko na rin ang ilan sa experiences ko with Tatay (Joecap). Firstly, very nakaka-iyak until napansin ko na napapasaya ko na ang mga tao dahil nag-kwento na ako tungkol sa barangay ko.

FYI po ulit, si Tatay (Joecap) kasi ang political (career) adviser ko. Pag tini-text ko siya o kaya ay pupuntahan ko siya sa office niya...ang sasabihin niya agad sa akin.." oh, anong problema na naman ng barangay mo ang ibibigay mo sa kin? Sinabi ko na kasi sa iyo... bakit ka kumuha ng batong ipupukpok mo sa ulo mo tapos ako ang papahirapan mong bata ka. Halika nga ritong bata ka, bwisit ka," sabay aakbayan ako na akala niya siguro lalaki ang kausap niya at papayuhan niya agad ako. Pag nararamdaman niya na iiyak ako...sasabihin niya agad sa akin...hoy, hoy, hoy...hindi ganyan ang idol (Pangulong Arroyo) mo. Hindi iyakin iyon. Magtigil ka nga diyan. Sige kumain ka na lang diyan."

May instances pa na kapag hihingi ako ng referral sa kanya... titingnan ako ng masama nun sabay hawak sa tobacco niya na walang sindi. hahaha..parang FVR lang naman...ikaw, ginagamit mo ang supplies ng gobyerno. Kapag hindi ka pa naging chairman." hahaha... habang sinasabihan ako eh, tatawagin niya si Ms. Anne, staff niya at uutusan na gawan ako ng referral at pipirmahan niya.

Marami, napakarami pang kalokohan ang Tatay (Joecap).

Hindi ko talaga siya makakalimutan dahil sa kanya (Tatay Joecap) eh isa ako sa binigyan ng Outstanding Kagawad sa buong District III. Imagine, ilang buwan pa lang akong nagse-served bilang Brgy Councilor eh nakakuha na agad ako ng recognition. Siyempre, utang na loob ko iyan sa Tatay Joecap.
why? siya kaya ang nagturo sa akin na gawin ang lahat ng makakaya ko, mahalin ang trabaho ko bilang public servant at huwag ko raw kalimutan na kung ang idol ko na si Pangulong (Gloria) Arroyo eh, small but terrible President ng bansa , ako naman daw eh, small but terrible President ng BARANGAY. hahaha...napaka-classic talaga ng Tatay ng bayan.

Sobrang PROUD ang Tatay Joecap sa mga naa-achieved ko sa Barangay kasi kapag nabalitaan niya na may bago akong projects, bagong recognition, na-imbitihan bilang guest speaker... ang kasunod nun... patatawagin niya ako kay Ms. Anne para ma-interview niya ako sa radio program niya sa Radyo ng Bayan, every sat. 7-8:00 am.

Hindi ko talaga siya makakalimutan dahil without him, matagal na akong nag-give up sa pagiging kagawad pero palagi niyang sinasabi sa akin na pahalagahan ko raw ang boto na ibinigay sa akin ng mga constituents ko.

Hay naku, Tatay Joecap..Luvs talaga kita.

Pero, since wala ka na sa piling naming mga anak mo... don't worry... hindi ko sasayangin ang "tiwalang" ibinigay mo sa kin at sabi sa kin ng Nanay Capadocia..." huwag kang mag-alala, nandito pa naman ako na puwedeng maging Nanay mo...iyon nga lang hindi ako mahilig kumain ng matataba at hindi ako naninigarilyo."; while si Press Secretary Cerge Remonde naman ang sabi niya sa akin kanina after ng prescon ni Executive Secretary Eduardo Ermita," huwag kang mag-alala nandito naman ako, handa akong maging Tatay mo. alam mo bang na-touched ako sa mga sinabi mo," sabay hawak sa buhok ko na parang Tatay na pinapayuhan ang kanyang anak.

Sa pagkawala ng TATAY JOECAP, dalawa naman ang ipinalit niya...ang NANAY CAPADOCIA at ang TATAY CERGE.

TATAY JOECAP, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO ulit.









Monday, April 13, 2009

BYE TATAY JOECAP! SALAMAT PO!

i was really shocked when i heard over the radio last week na kino-confirm ng mga local officials sa Benguet, Ifugao na walang nag-survived sa nag-crashed na presidential chopper Bell 412. Kahit ilang beses na i-report na walang nag-survived at lahat ng nakasakay ay patay... hindi ko inisip na patay na ang pinakamamahal kong tatay-tatayan na si Press Undersecretary Jose Capadocia.

Kino-convinced ko ang sarili ko na hindi paniwalaan ang report until i received a text message from Tita Susan last April 09 at around 8:00 in the morning confirming na "patay" na nga si Tatay Joecap.

Her text message was "The BELL 412 Heli Tail Nr: 1946 piloted by Maj. Sacatani & Cpt. Alegata with its passengers, namely BGEN Clet, USEC Malou Frostrum, DIR Pearl Bandayanon, USEC Joe Capadocia, PSG Demy Reno, has been located in Mt. Panatoan, north of Mt. Pulag. There are no survivors. We mourn this great & profound loss. We laud them, they died in the line of duty, a testament of true public service. Their service & patriotism will be remembered. We commiserate with their families & offer our deepest condolences".

Grabe! nagulat talaga ako...tinry kong tawagan ang phone ng Tatay Joecap..thou alam ko na "can't be reached lang naman ang maririnig ko", tinawagan ko si Tita Susan, ring lang ng ring ang phone niya, Nay Rose (Novenario)..same thing...nag-ring lang until i decided to call Tatay Joecap's Little Angel , ang staff niyang si Ms. Anne. Nag-ring ang phone niya, Nabuhayan ako ng loob dahil at last may makaka-usap na ko tungkol sa kung totoo ba na wala na nga ang Tatay (Joecap) ko. tanong ko agad sa kanya ay kung totoo iyong tinext sa akin ni Tita Susan? ang sagot niya, "tita, totoo na 'to. Nag-usap kami for 5 minutes, parehong umiiyak...ako, hindi ko pa rin matanggap na wala na si Tatay Joecap. I admit, kausap ko si Ms. Anne at that time pero ang Tatay Joecap ang nasa isip ko.

Ako na ang nagsabi kay Ms. Anne na mag-usap na lang kami ulit.

IYAK AKO NG IYAK sa nalaman ko.. if for them, kaartehan iyon ...pls...NO!

Ang Tatay Joecap ang nagsilbing adviser ko nang pasukin ko ang pagiging public servant. Sometimes, iniinis niya ako pag sinasabi niya sa kin na..."sakit ng ulo ang pinasukan ko pero later on... fatherly advises na ang ibibigay niya sa akin." He knew from the very start na "idol" ko si Pres. Arroyo, small but terrible leader of the country tapos sasabihin niya sa akin...ako naman daw sa Barangay (352-35). hehehe....

Ilang beses na rin niya akong in-interview sa radio program sa Radyo ng Bayan and very proud siya sa akin ng sabihin ko sa kanya na naka-received ako ng "Outstanding Kagawad Award." Ang advised niya, "galingan ko pa raw."

Matagal ko nang kilala si Tatay Joecap. Hindi "flash in the pan" ang "friendship" namin ng Tatay Joecap. Naging editor siya ng tabloid paper na sister company ng Remate at Bagong Pinoy. Sobrang "nene" pa ako ay Tatay Joecap ko na siya. Nakaka-miss talaga!

JUST OUT OF CURIOSITY ay may kinausap akong "spiritista", si Mang Tony. Sinulat ko ang pangalan na Jose Capadocia, 69 years old... nagsimula na si Mang Tony sa kanyang silent prayers...dinasalan niya iyong white candle sa isang soup cup na may tubig. Sinindihan ang kandila...after a couple of minutes... nabuo ang image...ang Jose Capadocia, 69 years old ay lumabas na image ng babae. Based sa desripsyon ni Mang Tony.. ang image na babae ay may katabaan ang tiyan, may malaking balakang, puwitan, maiksi ang buhok at putol ang mga paa.

Even si Mang Tony ay nagtaka bakit daw naging image ng babae iyong candle na sinindihan niya gayong pangalan ni Jose Capadocia ang binanggit niya sa silent prayer.

Kung ano ang message nito... bahala na po kayong mag-isip. Basta ako... ipagdarasal ko ang katahimikan ng soul ng Tatay Joecap at sa image na nabuo ni Mang Tony... isasama po kita sa prayers ko.

Tatay Joecap, kung nasaan ka man po....tandaan mo po na mananatiling Tatay Joecap ka ng buhay ko.

PAALAM po! at SALAMAT !