Followers

Monday, June 23, 2008

Bagyong Frank (Average storm, kuno!!!) at ang RAYUMA ni Lola

hi mga apo! kmusta na kayo? hayyy..naku...sobrang na-miss ko kayo. Medyo nag-rest kasi ang Lola ninyo due to my rayuma, umatake kasi eh. hehehe... iba na talaga ang NAGKAKA-EDAD, hane.

Anyway, i was so worried about your conditions mga apo lalo na ng nag-strike na ang Bagyong Frank sa Metro Manila (MM). Kmusta na ang mga barangay ninyo? did you participate sa paglilinis sa mga kalsada na ..hayy..naku...pinuno ng wasted materials na bitbit ni Bagyong Frank. Bwisit na Bagyo (Frank) talaga iyan na according to Pagasa ay average storm daw at walang storm signal ang MM. Liar!!!
Bwisit!!! Hambalusin ko kaya ng aking tungkod yang Pagasa na iyan, hane!

ito pa ang nakaka-init ng ulo...Average storm daw ang Bagyong Frank eh halos makita ko na ang buong lahi ni Marina at Dyesebel sa MM at sa ibang regions dahil sa sobrang taas ng tubig-baha...pati nga ang mga kamag-anak ni Dugong..nagpakitang gilas sa Samar at Bohol.

Heto pa ang siste ng mga hayupak na taga-Pagasa na iyan.. wala raw signal sa atin..eh, last saturday sinabi ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) eh..signal number 3 tayo... HAHAMBALUSIN KO NA TALAGA IYANG MGA IYAN NG AKING TUNGKOD...MGA PALPAK!!!!

hayy naku .. mga apo dapat sa mga iyan ay ibitin ng patiwarik.

Teka nga pala...mga apo...kung ang lugar ninyo ay sobrang affected ng Bagyong Frank..don't worry, to the rescue diyan ang Bureau of Fire Protection. Our President instructed BFP to supply potable water in affected areas na dinaanan ni Bagyong Frank...okey ba? hehehe..basta ganyan ang issue eh baka mag-TANGGO, CHACHA at BOOGIE pa ang Lola ninyo... ehem..

oh siya..magre-rest ulit ang Lola ninyo huh? dahil in a little while eh magwawalis na naman ako ng buong kalsada... pesteng basura na dala ni Bagyong Frank....naku...ang RAYUMA KO!!!!




No comments: