Followers

Thursday, August 7, 2008

trabaho lang, walang personalan: WALA AKONG BALAK TUMAKBONG CHAIRMAN

Arekupu....ang sakit ng katawan ko mga apo..pero hindi dahil sa pagba-ballroom dancing ko kaya masakit ang aking makunat na katawan este ala Vivian Velez o Pia Moran na katawan kundi dahil kasama ko ang team ni Mr. George Peralta ng Engineerings Office sa paglilinis ng bara sa ilang drainages diyan sa Becerra st na sakop ng Brgy 351 at 352.

Would you believed, nag-start ang aming operation LINIS DRAINAGEs ng alas-8:00 ng umaga na nagtapos ng alas-4:00 ng hapon. Kaya ang inyong Lola Kris eh hindi na nakapasok sa trabaho. Hayun tuloy, nag-briefing pala si Press Secretary Jesus Dureza sa New Executive Building (NEB) kanina na hindi man lang naka-attend ang Lola Kris ninyo. Hayan tuloy...hindi me nakapagtanong. hehehe...

Going back sa panibago kong achievement na kahit nirarayuma na eh hataw pa rin sa pagiging public servant. Kasi naman, ang mga apo ko diyan sa Pista St. (sta cruz, manila) eh hindi makalabas ng kanilang bahay ng hindi suot ang kanilang bota dahil kahit hindi naman umihi ng malakas si San Pedro este ang ibig kong sabihin eh hindi umulan ng malakas dahil wala na sa bansa si bagyong Julian eh, baha sa kanilang lugar. Diyaskeng mga apo kong opisyal diyan sa... iyong kanilang mga constituents eh hindi man lang asikasuhin ng maayos. Alam ninyo ba mga apo...iyong iba nga diyan eh may alipunga na ang mga paa at may 2 bata na ang na-dengue.

Kaya ang panawagan ng Lola Kris ninyo kay Kag. Carmen (Lopez) eh...apo baka naman gusto mong magpa-fogging na diyan sa barangay ninyo matapos na maki-LINIS ang Lola Kris ninyo sa team ni Mr. Peralta. Aba eh, ito na ang tamang panahon ng pagkilos mo. Hala...sige.. kilos na!

At doon sa iba ko pang apo diyan... kilala na ninyo kung sino kayo.. Oi, mga apo, trabaho lang ang ginagawa ng Lola Kris ninyo at walang personalan ito. Tungkulin kong serbisyuhan ang mga tao diyan sa Brgy 352 dahil binoto nila ako... Diyaske kayo... WALA AKONG BALAK NA TUMAKBONG CHAIRMAN sa susunod na halalan..hane. Ang dapat ninyong isipin eh ang magserbisyo sa mga taong nagtiwala ng boto nila sa inyo kaysa mainggit sa akin na Lola na ninyo. Mga salbaheng mga bata ito.... mga inggitera at intrigera pa. Bwisit! (arekepu...) hahatawin ko kayo ng aking baston..nakita ninyo ang hinahanap ninyo. Nakaka-init kayo ng ulo!!

Ang pagtulong sa mga constituents ay hindi lamang dapat sa salita kundi sa gawa. Tigilan na ninyo ang paghahanap ng ikasisira ng inyong Lola Kris dahil hindi kayo magtatagumpay dahil alam na ng mga tao diyan sa ating barangay kung sino talaga ang aktibo at sino ang pa-impress lamang. Close your mouth and start to do your stuff. OK! arekupu ...talaga..Nasaan ba itong si Gagah' (Nena Zuniga) at magpapahilot na ang Lola Kris ninyo. Gagah'....gagah'.... asan ka ba apo? Gagah'...


No comments: