hi, mga apo! kmusta na kayong lahat. your Lola Kris is back after a month ng pagla-lie low sa mga activities sa barangay dahil sa intriga at chismis ng mga kasamahan sa council.
Anyway, hindi naman ako nagsisisi na magpaka-lie low kasi alam ninyo naman ang Lola Kris ninyo palagi na lang nirarayuma.hehehe....
Kidding aside, one thing na natutunan ko sa buhay-public servant eh...hindi pala dapat tayo nagtitiwala sa kapwa natin..kahit na kapwa-kagawad pa natin iyan.
Nakakalungkot lang isipin mga apo na kahit alam ninyo na...matanda na ang Lola ninyo eh patuloy pa rin ang serbisyo ko sa bayan kaya lang, ang mahirap lang..eh, bakit may mga tao na malapit sa inyong Lola Kris na pinagdu-dudahan ang tunay na intensyon ko sa pagse-serbisyo publiko.
Example na lang mga apo huh? ....may mga bagay na ginawa ang inyong Lola sa kanyang barangay na talaga namang kahit papaano ay nakatulong. At dahil ang hawak kong komite ay Beautification and Sanitation ay madali na sa akin na umpisahan at tapusin ang trabahong iniatang sa akin ng aking mabait na Chairman. Iyon nga lamang, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagagawa pang batikusin ng kapuwa ko brgy officials ang mga ginawa ko...may mga kasama ang Lola Kris ninyo sa council na hindi na napigil ang sarili na magbintang na "tatakbo raw akong chairman". hahaha....ano ba iyan? itong tanda kong ito ay makakatakbo pa ba ako? HINDI talaga... kasi, hindi na nga ma-balance ng Lola Kris ninyo ang kanyang time para sa family, sa pagbo-ballroom..hehehe... sa mga kaibigan, trabaho at barangay ay pagbibintangan pa na "tatakbong chairman". HINDI noh!!!!! at para matigil na iyang pagme-meeting ninyo sa labas ng barangay hall na dadayo pa kayo sa ibang lugar eh, PARA LANG DURUGIN AKO eh tigilan ninyo na, nagagastusan lang kayo.
Iadmit, masama talaga ang loob ko sa aking mga apong kagawad ng Brgy 352-35 at kung sinu-sino sila....alam ninyo na mga apo kung sinu-sino kayo dahil hindi na nirespeto ang katandaan kong ito.
and, for the record.... aminin ninyo na sa sarili ninyo na KAYO ang may ambisyong maging chairman...HUWAG ninyo akong gamitin. ..users!
Lastly, para sa mga taong patuloy na sumusuporta sa inyong lingkod....maraming, maraming salamat sa inyong lahat at para naman sa patuloy na binabatikos ang inyong Lola Kris... hintayin ninyo ang hambalos ng aking tungkod sa inyo.
No comments:
Post a Comment