Followers

Saturday, July 5, 2008

MANYAK na LoLo!!!

Halang ang kaluluwa! Walang takot sa Diyos! Demonyo!
Naku, mga apo!! talagang galit na galit ang Lola ninyo. Pano naman, diyaskeng manyak na constituent ko diyan sa may Aragon St.. eh, nangmolestiya ba naman ng 15 taong gulang na apo niya na tawagin natin sa pangalang "Nene". Bukod kay Ate Nene ay sinisimulan na rin palang molestiyahin ni Lolo Manyak ang kanyang mga kapatid na babae na may edad na 9 at 7 habang iyong 10 yrs old na batang lalaki na kapatid
din nila ay binubugbog naman ng Manyak na Lolo na ito.
Buwisit kang damuho kang manyak na Lolo ka!!! Nakakagigil iyang kamanyakan mo. Nagkataon na bising-bisi lang ang Lola (Kris) mo kundi ay hahatawin kita ng tungkod ko at pagkatapos ay bibirahin ko iyang "butotoy" mo.
Mabuti na lang at talagang may pagka-boyscout at girlscout ang brgy council ni Chairman Olan Marino ng Brgy 352. Palakpakan natin (clap! clap! clap!...) sina Brgy. Treasurer Reggie , Kag. Elvie, Brgy. Secretary Boy at Kag. Kenneth dahil sila ang mga naunang tumugon sa problema ng batang si Nene. Siyempre, sa utos na rin ni Chairman Olan. Saludo rin tayo kay Kag. Ayik na sinamahan naman si Treas. Reggie na magdala ng damit sa mga bata sa DSWD kinabukasan.
Habang ako na inyong Lola Kris na kahit uugod-ugod na kagawad at si Kag. Carmen ay patuloy na nakikipag-ugnayan kay 3rd district councilor Jhong Isip para sa tulong na maaari niyang ibigay sa mga bata.
Saludo rin tayo sa kabutihang loob ng mga pulis ng Station 3 ng Maynila, mga guro at principal ng Juan Sumulong Elem. School at Teodora Alonzo High School dahil matagumpay na "nabitbit" si Lolo Manyak papuntang presinto.
Ngayon nga , mga apo...ang Manyak na Lolo ay naghihimas na ng rehas na bakal sa Station 3. hehehe.... at hindi na niya hinihimas ang mga hita at mga private parts ng kanyang mga apo. May balita pa nga ako mga apo.. na maging ang nanay ng mga batang iyan ay minolestiya rin ni Lolo Manyak . Kaya naman itong pobreng nanay ay iniwan ang kanyang mga inakay sa poder ng Manyak na Lolo at sa Lola nito.
Para naman kay Lola, iyong asawa ni Lolo Manyak...aba, ineng mag-isip-isip ka. Marami pang mga matitinong Lolo ang nasa paligid mo. Oki!
Hayy....mahirap na masarap talaga ang maging public servant. At sa kaso ko...masarap kasi after ng serbisyo publiko eh..nagbo-ballroom dancing pa ako. hehehe...( to the left...to the left...to the right...to the right...1..2...3.. arekupu....ang rayuma ko na naman!)

Bye! Bye!





1 comment:

brgy. ni LOLA said...

THANKS LOLA KRIS. AYAW KO PONG MAGBUHAT NG BANGKO PERO IYAN ANG BARANGAY COUNCIL NI CHAIRMAN OLAN. MAAASAHAN. KAHIT NA NAPAGKAKAMALAN TAYO NA SECRETARY NG MGA PULIS AT TAGA-DSWD. SALAMAT PO ULIT. - TREAS. REGINALD AGUILAR